BAHAGI ng serbisyo-publiko ang pag-i-install ng prepaid fiber internet Surf2Sawa sa mga urban settlement kasama ang socio-civic development nito, pinalakas ng nangungunang fiber broadband provider na Converge ICT Solutions Inc. ang Sandiwaan Center for Learning sa Tondo, Manila nitong Agosto 4.
Ilang mag-aaral ng Sandiwaan ang tiniyak na makikinanabang sa fiber broadband provider.
Ang Sandiwaan Learning Center ay isang values-based na non-profit na organisasyon na itinatag sa Smokey Mountain noong 1982 upang makatulong na iangat ang kalidad ng edukasyon sa komunidad.
Ang sentro ay nagbibigay ng serbisyo sa halos 200 pre-school na mag-aaral at halos 100 out-of-school youth sa pamamagitan ng alternatibong sistema ng pag-aaral sa lugar.
Nakipag-ugnayan ang Converge, kay Fr. Benigno Beltran, SVD sa Paradise Heights, Tondo, para sa paglilinis at pag-aayos ng Sandiwaan Center, gayundin ang paglalatag o installation ng fiber broadband connectivity sa learning center.
Ilang empleyado ng Converge na nagboluntaryo sa pangunguna ng Workplace and Premises Management department ang lumahok sa paglilinis ng sentro at nagpinta pa ng mural sa dingding.
“True to our mantra to leave no one behind, Converge sees these communities not just as service areas but places where we can contribute to socioeconomic development. We hope to empower these communities through technology,”ayon kay Converge Vice President and Head ng Corporate Communications and Public Relations, Jay-Anne Encarnado.
“We have tied in our corporate social responsibility program into our expansion plans so we reach the broader segment of the population who needs our services the most,”,” dagdag pa ni Encarnado.
Kasabay ng community launch ng Surf2Sawa prepaid fiber internet sa Tondo, ang Converge ay nag-donate ng 20 learning tablets sa mga estudyante ng center para tulungan sila sa kanilang online learning.
Ang mga bata at kanilang mga magulang ay inanyayahan sa isang pagtitipon sa sentro kung saan nagdaos ang Converge ng isang maikling programa ng kasiyahan at mga laro upang markahan ang powering up ng broadband internet.
“We’re grateful for the assistance extended by Converge to refurbish the center and give a make-over to these classrooms. More than the aesthetics, what’s vital is the provision of the internet and the digital devices, which will go a long way in helping the students cope with online learning,,” ani Fr. Beltran.
EUNICE CELARIO