DADAGSAIN ng 20 milyong Pinoy na nabibilang sa Generation Z ang boboto sa 2025 national at local elections batay sa tala ng Commission on Elections (Comelec).
Ang mga batang ipinanganak noong 1997 at 2012 ay pasok sa Gen Z category.
“Kung ang pagbabasehan natin yung Barangay and SK (Sangguniang Kabataan) Elections, sabihin na natin isama natin yung 15 to 17 years old, ang botante ay almost 24 million. More or less nag-eexpect tayo ng mga hanggang 20 million members of Gen Z na mga kabataan” ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia.
Sa datos, nasa 13 milyon o 195% ng kabuuang bilang ng mga botante ang Gen Z na itinuturing na isang mahalagang sektor ng mga botante sa bansa.
“Yung votes nila will matter. Ganyan kahalaga ang boto nila sapagkat sila ang magdidikta ng kinabukasan ng ating bayan,” anang opisyal.
RUBEN FUENTES