NASA 20% ng mga manggagawa sa National Capital Regional (NCR) ang walang kakayahang makabalik sa trabaho dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon.
Ito ay batay sa report ng National Economic and Development Authority (NEDA) kung saan lumabas na noong Setyembre na nasa 58.2% ng mga manggagawa ang pinayagan nang makabalik sa trabaho, ngunit nasa 35.5% lamang ang kayang maisakay ng mga pampublikong transportasyon.
Dahil ito sa mga ipinatutupad na health protocols kung saan mahigpit na ipinatutupad ang social distancing sa loob ng mga pampublikong sasakyan dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni NEDA Acting Secretary Karl Kendrick Chua, dahil sa istriktong pagpapatupad ng health protocols ay naapektuhan ang nasa 22.7% ng mga manggagawa kahit nagbalik operasyon na ang kanilang industriya. DWIZ882
Comments are closed.