20% OFF SA TRAVEL TAX

SENIOR-PWDs

MABIBIGYAN na ng travel tax discount ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) matapos na makapasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 8884.

Sa botong 178 Yes at walang pagtutol ay naaprubahan sa Kamara ang panukala at inaasahang mapipirmahan agad ito ni Pangulong Duterte.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng 20% discount sa travel tax ang mga first class at economy class passengers na senior citizens at PWDs.

Ililibre naman sa travel tax ang mga kinatawan ng eskuwelahan sa international sports tournament at academic competition.

Dagdag pa rito, gagawin na ring travel tax free ang mga kinatawan ng bansa sa international beauty pageants.    CONDE BATAC

Comments are closed.