DALAWAMPUNG sako ng pekeng designer bags ang nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila, ayon sa report.
Dala ang search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 46, nahuli ng investigators ng NBI – Intellectual Property Rights division ang mga bag na nagkakahalaga ng milyong piso sa mga puwesto sa mall.
Nagsagawa ang NBI ng imbestigasyon matapos na makatanggap ng reklamo mula sa isang brand ng bag na ang mga disenyo ay kinopya, at may mga pekeng items na ibinebenta sa mga mall sa mas mababang presyo.
Sasampahan ng copyright infringement charges ang may-ari ng stall kung saan nakumpiska ang mga pekeng bag.
Ang mga lalabag ay nahaharap sa limang taong pagkakabilanggo at multang nagkakahalaga ng P200,000.
Comments are closed.