BULACAN- MAS mapapabilis na ang pag responde ng mga awitoridad sa siyudad ng Malolos.
Nitong Martes, 10 scooters ang ipinamahagi sa mga Malolos Tourist Police at 10 scooters din sa City Traffic Management Office na layon nito na makatulong sa mabilis na pag-iikot sa lugar at pagpapanatili ng seguridad.
Ayon kay City Mayor Atty. Christian D. Natividad, inilunsad ang programa katuwang ang City Social Welfare Development Office, Malolos City Police at Department of Education.
Nabatid na nabuo ang konsepto ng scooters bunsod ng umano’y pagdami ng mga krimen na kinasasangkutan ng ilang kabataan.
Kaugnay nito, binigyan ng Sertipiko ng Pagkilala si Mc Rhey Cea bilang Pangulo ng Provincial Child Protection Council sa lalawigan ng Bulacan. THONY ARCENAL