MAHIGIT 20 pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease COVID-19 ang nakarekober sa Cainta.
Naniniwala si Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na dapat pagtuunan ng pansin ng publiko ang mga taong nakikipaglaban at gumaling sa nakamamatay na sakit na COVID-19 kung saan umaabot na sa 27 ang gumaling o nakarekober na sa Corona virus Disease.
Ayon kay Nieto napapanahon na upang bigyan ng pag-asa ang mga residente ng Cainta Rizal na marami namang gumagaling sa coronavirus kung saan 54 na pasyente nag kanilang binabantayan at 34 sa kanila ay naka-home quarantine, 6 ang nasa ospital, habang lima ang nasa facility quarantine ng Cainta, Rizal at 12 lamang ang nasawi.
Paliwanag ng alkalde malaki ang naitutulong ng mga frontliner kung saan ay kaya umanong talunin ang Covid-19 kung magtutulungan lamang ang bawat mamamayan.
Giit ni Nieto dapat higpitan pa ng mga Barangay Official ang pagpapatupad ng ECQ upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nahahawaan ng nakamamatay na sakit. ELMA MORALES