20 VOLCANIC QUAKES NAITALA SA TAAL VOLCANO

Taal Volcano

UMABOT sa 20 volcanic quakes ang naitala sa palibot Taal Volcano area sa loob lamang ng 24 oras.

Base sa Taal bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS),  nananatiling nasa Alert Level 1 ang status sa naturang bulkan.

Gayundin, bukod sa 20 volcanic quakes sa Taal Volcano Network, naobserbahan din ng PHIVOLCS ang mahinang steaming o fumarolic activity na nasa limang metro ang taas.

Dahil dito, muling pinapaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko sa posibilidad na magkaroon ng phreatic explosion, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas sa palibot ng Taal Volcano Island.

Kaya naman mariing inirerekomenda ng PHIVOLCS na ipagbawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island na itinuturing bilang Permanent Danger Zone.

Pinapayuhan din ang local government units na i-assess ang mga dati nang nilikas na mga barangay sa palibot ng Taal Lake para makapaghanda sa anumang pangyayari.

Kasabay nito, inaabisuhan ang publiko na nakatira malapit sa Taal Volcano na mag-ingat dahil sa ground displacement na nangyayari, at posibilidad na magkaroon ng ashfall at minor na mga lindol.

7 thoughts on “20 VOLCANIC QUAKES NAITALA SA TAAL VOLCANO”

  1. 268385 990375You ought to be very astute at research and writing. This shows up in your original and distinctive content. I agree along with your primary points on this subject. This content material need to be seen by more readers. 711297

  2. 326449 121380You completed several excellent points there. I did specific searches on the issue and discovered several people go in conjunction with along with your blog. 359597

Comments are closed.