200 BAHAY SA SEMENTERYO WINASAK

Manila North Cemetery

MAYNILA – DALAWANG araw bago ang Undas, marami na rin ang dumalaw sa himlayan ng mga namayapang kamag- anak partikular sa Manila North Cemetery at South Cemetery sa gitna ng ginagawang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan sa paggunita ng Todos Los Santos.

Sinimulan ng Lungsod ng Maynila ang pagpapaalis sa mga taong nakatira sa loob ng Manila Noth Cemetery kasabay ng  pagwasak sa may 200 shanties at iba pang estruktura sa loob ng sementeryo na ginawa ng pamayanan ng mga buhay.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, ang pagpapaalis sa mga taong nakatira sa loob ng Manila North Cemetery ay isang hakbang na paghahanda umano para sa Undas kabilang dito ang pagpapairal ng “no vendor policy” sa loob ng sementryo sa panahon ng Undas.

Nasa 3,000 pamilya ang nakatira sa loob ng sementeryo ang naapektuhan ng ginawang paglilinis ng Department of Public Services ng Maynila na sadaya umanong pakay ng  pamahalaang lokal na paalisin nang paunti-unti.

Layon ng clearing operation sa sementeryo, na paluwagin ang Manila North Cemetery bago mag-Undas sa Biyernes.

Sa kasagsagan ng clearing operation, narekober ng awtoridad sa isa sa mga bahay ang mga drug paraphernalia, sumpak at isang kalibre .22 na baril.

Tuwing Undas, mariing ipinagbabawal sa mga sementeryo ang pagpasok ng matatalas na bagay tulad ng kutsilyo, mga armas, sigaril­yo, mala-lakas na speaker at alagang hayop.

Simula Oktubre 31, magpapatupad na rin ng road closure at rerouting sa paligid ng Manila North Cemetery.

Ipinagbawal ang pagpasok ng mga pribadong sasakyan sa loob ng sementeryo kung saan nagtalaga ang pamunuan ng sementeryo ng parking areas para sa mga magdadala ng sasakyan. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “200 BAHAY SA SEMENTERYO WINASAK”

  1. 522821 851534Hey. Quite nice web internet site!! Man .. Outstanding .. Wonderful .. Ill bookmark this internet website and take the feeds alsoI am pleased to locate so a lot valuable information here within the article. Thanks for sharing 816078

  2. 95179 568216This internet site is typically a walk-through its the data you wished about this and didnt know who ought to. Glimpse here, and you will surely discover it. 818

  3. 281972 325905So, is this just for males, just for females, or is it for both sexes If it s not, then do females want to do anything different to put on muscle 836299

Comments are closed.