200 ‘DI LISENSIYADONG BARIL NASAMSAM SA OPLAN KATOK

CENTRAL LUZON – NAKUMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit 200 mga hindi lisensiyadong baril kasunod ng isang buwang operasyon ng Oplan Katok (knock) sa nasabing rehiyon.

Sa pahayag ni Regional Office (PRO) 3 Director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. sa nasabing ang operasyon, bibisitahin ng mga ahente ang mga bahay ng mga may hawak ng baril na hindi pa nagre-renew ng kanilang mga lisensya ay nagbunga ng mahigit 200 baril na may iba’t ibang kalibre.

Ang mga operasyon ay nagsimula nitong Marso 19 hanggang nitong Abril 19.

“Nawa’y ipaalala sa atin ng mga bilang na ito na ang pagmamay-ari o pagkakaroon ng baril ay may pananagutan at ang bawat may hawak ng baril ay may pananagutan at responsable na sundin ang mga probisyon ng batas,” ani Hidalgo.
EVELYN GARCIA