200 E-CIGARETTES NAKUMPISKA

E-CIGARETTES

CEBU – PUSPUSAN na ang operasyon ng pulisya laban sa vape o e-cigarettes sa Central Visayas kung saan nakakum­piska na sila ng halos 200 vapes.

Umabot sa 230 ang kabuuang bilang ng mga vape na nakuha sa mga nahuling gumagamit nito sa mga pampublikong lugar.

Sa nasabing bilang, 95 rito ay mula sa Cebu City habang 30 sa Lapu-Lapu City at pito naman sa Mandaue City.

Pitumpu’t apat naman ang nakumpiska sa probinsiya ng Cebu, 20 sa Bohol at apat sa Negros Oriental.

Hindi naman ikinulong ang mga nahuli at binigyan lamang ng babala.

Pinapirma rin ng pulisya ang mga nahuli sa isang dokumento matapos makuha ang vape. EUNICE C.

Comments are closed.