200 ESTABLISIMIYENTO NA LUMABAG BAKBAK

demolish

SURIGAO DEL NORTE – DAHIL sa paglabag sa kalikasan, nasa 200 establisimiyento ang binakbak sa Siargao Island.

Pinangunahan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu at Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año ang pag-demolish na sinimulan kahapon sa mahigit 200 mga establisimiyento sa Siargao Island dahil sa paglabag sa Environmental Law.

Sa pahayag ni DENR-Caraga information officer Eric Gallego na nilalabag ng mga ito ang 25-meter easement zone mula sa baybayin hanggang sa kanilang establisimiyento.

Matatandaang nitong Mayo, umabot sa mahigit 1,000 mga establisimiyento sa isla ang dumaan sa ginawang evaluation at assessment ng Force Siargao.

Ginawa ito upang hindi matulad ang Siargao sa Boracay na isinara ng anim na buwan upang dumaan sa rehabilitasyon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

2 thoughts on “200 ESTABLISIMIYENTO NA LUMABAG BAKBAK”

Comments are closed.