AABOT sa 200 gamot ang exempted mula sa Value-Added Tax (VAT).
Batay sa Bureau of Internal Revenue (BIR) – Revenue Memorandum Circular 68-2022, kabilang sa exempted sa VAT ang mga generic name ng mga gamot sa sakit na hypertension, cancer, mental illness, tuberculosis, kidney disease, diabetes at mataas na cholesterol.
Kasama rin ang COVID-19-related medicines at medical devices na nakapaloob sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises.
Ang nasabing kautusan ay nakabatay sa isinumiteng listahan ng Food and Drug Administration (FDA)na nilagdaan ni BIR Commissioner Caesar Dulay. DWIZ 882