200 IPs TUMANGGAP NG CHRISTMAS GIFT

BULACAN- KABUUANG 200 miyembro ng Indigenous Peoples ang nabiyayaan ng Christmas gift sa Joint Outreach Program ng Philippine Air Force (PAF) at Philippine Army sa Brgy. San Isidro, San Jose, Del Monte City sa lalawigang ito.

Nanguna sa pamamahagi ang 2nd Air Reserve Center PAF katuwang ang mga sundalo mula sa 70th Infantry Battalion (70IB), 7th Infantry Division (7ID) na namahagi ng food packs sa komunidad sa nasabing aktibidad.

Ayon kay Lt. Col. Ronnel Dela Cruz, Commanding Officer ng 70IB, ang mga sundalo ay laging susuporta sa humanitarian activities na magbebenepisyo sa mga vulnerable sector ng lipunan.

“Palaging naka suporta ang kasundaluhan sa mga ganitong proyekto na nakatutulong sa mga kababayan natin lalo na ang mga IPs,” ayon kay Dela Cruz.

Binati ni Maj. Gen. Andrew Costelo, Commander ng 7ID, sanib-inisyatibi ng 2nd Air Reserve Center at ng 70IB para sa pagbibigay ng assistance sa IP community sa Bulacan ngayong panahon ng Pasko. EUNICE CELARIO