AABOT sa 200 kilo ng double dead na karne o mas kilala sa tawag na botcha ang nakumpiska ng awtoridad sa palengke sa Divisoria, Maynila.
Tinukoy ang palengke sa Recto-Ylaya na sinalakay ng Veterinary Inspection Board alas-2:00 ng hapon.
Bigo namang may madakip dahil agad nakatunog ang mga tindero at tindera at nagsitakas.
Magugunitang matindi ang panawagan ni Dr. Jose Fajardo ng Manila Veterinary Inspection Board sa mga nagtitinda ng botcha habang pinaalalahanan din ang mga consumer na maging mapanuri sa mga binibili lalo na sa pagkain.
Tinatangkilik ang nasabing karne dahil kalahati ang presyo nito sa fresh meat sa merkado.
Paalala pa ni Fajardo, maaaring makulong nang anim na buwan hanggang 12 ang mga ito at pagmumultahin ng P100,000 hanggang isang milyong piso.
Masama sa kalusugan ang botcha na maaaring magdulot ng food poisoning, pagtatae, pagsusuka, lagnat o trangkaso. AIMEE ANOC
Comments are closed.