NAKUMPISKA ng Manila Veterinary Inspection Board (MVIB) ang 200 kilo ng “hot meat” sa isang nakaparadang kuliglig sa Divisoria nitong Miyerkoles.
Batok ng baboy na hinihinalang “hot meat” ang nakuha mula pa umano sa The Netherlands, hinala ng awtoridad.
Nasabing “hot meat” ang nakumpiska na mga karne dahil hindi raw ito dumaan sa inspeksiyon at wala ring maipakitang dokumento ang lalaking magde-deliver sana nito.
Ayon pa sa MVIB, walang nagpakilala para angkinin ang kargamento.
Nabuko ang pag-deliver sa pamamagitan ng roving inspection ng MVIB sa mga gilid ng kalsada.
Nilinaw ng MVIB na hindi ito botcha dahil frozen imported pork jowl ang kategorya nito.
Comments are closed.