BULACAN – NASA 200 mag-aaral mula sa mga isla sa bayan ng Hagonoy partikular sa isla ng Brgy. Pugad, Brgy. Tibaguin, Brgy. Sagrada Familia at Brgy. Sta Elena ang nakiisa sa “Tinig Kabataan Summit” kasabay ng ika-30 selebrasyon ng Children’s Rights.
Sa pamamagitan ng Good Neighbors International-Philippines, na nagsama-sama ang mga paslit ayon kay Mark Gerald Paner, field manager ng GNIP Bulacan.
Layon nito na bigyan ng kaalaman ang murang isipan ng mga kabataan kung paano ang tamang sistema at karapatan sa buhay.
Mayorya ng mga kabataan ay nagmula sa isla na kadalasan ay hindi agad nararating ng tulong mula sa Local at National Government Units.
Tinalakay rito ang developmet rights, survival rights, protection rights, at iba pa.
Habang nagbigay rin ng mensahe si Rowena Royupa, principal ng Sagrada Familia Elementary School.
Kasabay nito ay nagpakitang gilas din ang mga bata sa pamamagitan ng pag-awit at pagsayaw habang ang iba naman ay bumigkas ng panatang makabata.
Samantala, suportado naman ng pamahalaang bayan ng Hagonoy ang programa kung saan nagbigay ng inspirational message si Vice Mayor Angel Cruz sa mga paslit.
Ayon naman kay Maria Effie Santos ng Sta. Elena Elementary School at Oliver Caceres, project staff for Education, malaking bagay ang pagka-karoon ng kaalaman ng mga kabataan.
Kasabay rin nito ang promotion ng mga produkto ng isla, para sa kanilang kabuhayan. THONY ARCENAL