ISABELA -AABOT sa 200 ina ang lumahok sa World Breastfeeding Week, sa isang mall sa Cauayan City noong Agosto 5 na pinangunahan ng kanilang City Health Office.
Ang mga breastfeeding mommies ay tinaguriang ‘’HAKAB 2018,’’ kasabay ng World Breastfeeding Week sa buong bansa.
Sa inihayag ni Gng. Nareta Maximo ng Cauayan City Health Office, layunin ng naturang programa na paigtingin ang kanilang kampanya para sa breastfeeding sa mga sanggol mula nang ipinanganak hanggang anim na buwan.
Sinabi pa ni Maximo, na itinuturing na nakapagliligtas ng buhay ang breastmilk dahil sa kompleto nitong nutrients upang maging malusog ang mga sanggol.
Bukod dito ay nagkakaroon din ng pagtalakay kaugnay sa kahalagaan ng breastfeeding at pangangalaga sa sanggol, na labis namang ikinatuwa ng mga ina. IRENE GONZALES
Comments are closed.