PINAYAGAN ng pamahalaan makaalis sa bansa ang mahigit sa 200 overseas Filipino workers (OFWs) , na na-stranded matapos sumailalim ng Enhanced community Quarantine (ECQ) ang buong Luzon at iba pang lugar sa bansa dulot ng COVID-19.
Ayon sa impormasyon ang nasabing mga OFW ay nagtratrabaho bilang hospital workers sa ilang paggamutan sa Saudi Arabia, at umuwi ng ilang araw upang makasama ang kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas.
Ngunit dahil sa coronavirus napigil ang nakatakdang petsa ng kanilang pagbalik sa Saudi matapos ipagbawal ng pamahalaan ang lumabas sa bansa habang pinaiiral ang ECQ sa kamaynilaan at karatig na lugar.
Ayon kay OFW Wilson Quizon isangpPharmacist sa Dammam Hospital , dapat 20 days lamang ang kanyang bakasyon sa bansa, ngunit dahil sa nangyaring lockdown hindi siya agad nakabalik sa kanyang trabaho sa ibang bansa. FROI MORALLOS