UMABOT na sa general alarm ang malaking sunog na naganap sa Brgy. Sta. Clara, Batangas City malapit lamang sa port area na tumupok sa mahigit 100 bahay, sa ulat na natangap ng Office of Civil Defense.
Ayon kay Rodrigo dela Roca ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nagsimulang lumaganap ang sunog bandang alas-5:45 ng Sabado ng hapon.
Idineklra itong fire under control bandang alas-11 ng gabi at umabot hanggang Linggo ng umaga bago tuluyang naapula.
Partikular na natupok ang mga kabahayan ng informal settlers sa naturang lugar na yari lamang sa mga light material kaya nag-ing mabilis ang pagkalat nito
Dahil sa pagtaas ng alerto, tumulong na rin ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) mula sa mga karatig na bayan at probinsya ng Batangas.
Lumilitaw sa paunang imbestigasyon na faulty electrical wiring ang sanhi ng nasabing sunog na umabot sa likurang bahagi ng Terminal Building ng Batangas Port.
Walang naiulat na nasaktan at patuloy na inaalam ang halaga ng naabong mga ari-arian. VERLIN RUIZ
Comments are closed.