200 PAMILYA, NAKATANGGAP NG FOODPACKS MULA SA ROTARIAN

BULACAN -NASA 200 pamilya mula sa Brgy, Poblacion, Camias, San Vicente,Tigpalas ,San Jose, at Santa Rita Bata ang nahatiran ng tulong pagkain mula sa inilagay na Community Pantry na “Ayuda para sayo handog ng Rotaryo ng Rotary Club of San Miguel de Mayumo sa bayan ng San Miguel.

Si 2021- 2022 incoming rotary president, at dating konsehal ng bayan na si Gng Josie Buan at mga rotarians ang nangasiwa sa pag aabot ng foodpacks naglalaman ng noodles , kape at delata.

Kabilang sa mga natanggap ng mga residente ang tig-3 kilo ng Bigas, iba’t ibang gulay tulad ng upo, kalabasa, sitaw at talong, tilapia at chop-chop na manok.

Dahil sa nagpapatuloy ang paglaban ng bansa sa pandemya layon ng kawanggawa ng mga rotarians ng Rotary Club of San Miguel de Mayumo,na tugunan ang pangunahing pangangaliangan ng ilang mga residente na lubhang apektado ng kahirapan ng buhay.

Samantala bagama’t hindi nakadalo si Rotary District Governor na si Arturo “Art” Que, at Rotary International President Shekhar Mehta nagpa-abot naman sila ng suporta sa hakbang at mga programa ng grupo para sa mamamayan.

Habang umalalay rin sa Communtiy Pantry nang Damayang Filipino Foundation ni Governor Daniel Fernando na nagdala rin ng higit 100 plastic bag ng tig 3 kilo na bigas. THONY ARCENAL

4 thoughts on “200 PAMILYA, NAKATANGGAP NG FOODPACKS MULA SA ROTARIAN”

  1. 387701 985005Attractive part of content. I just stumbled upon your website and in accession capital to claim that I acquire in fact enjoyed account your blog posts. Any way Ill be subscribing to your feeds and even I achievement you get entry to constantly swiftly. 930691

Comments are closed.