200 PINOY MAWAWALAN NG TRABAHO SA HAWAII

Mauna Loa Chocolate Company

USA – NASA 200 Filipino workers ang apektado sa kautusang isara ang isang chocolate company sa Big Island.

Una nang ipinag-utos  ng health authorities sa Hawaii na pansamantalang isasara ang kompanya ng tsokolate partikular sa Big Island.

Bunsod ito ng E.coli bacteria sa tubig na pinaggagawaan ng tsokalate ng Mauna Loa Chocolate Company.

Ayon kay Pascua, aabot ng 21 klase ng tsokolate ang pinare-recall ng DOH-Hawaii na nagawa pa noong September 5 hanggang 21 sa taong ito.

Napag-alaman na maraming nakikitang mga galang baboy-ramo na malapit sa nabanggit na factory.

Ang E.coli bacteria ay nakukuha mula sa dumi ng hayop o tao.   EUNICE C.

Comments are closed.