200 PRESO SA NAVOTAS CITY JAIL LAYA NA

preso

MAHIGIT sa 200 persons deprived of liberty (PDL) ang nakalabas mula sa Navotas City Jail (NCJ) dahil sa patuloy na virtual o video hearing confe­rences sa kabila ng banta ng COVID-19.

Ayon kay NCJ Warden Chief Insp. Atty. Ricky Heart Pegalan, bago pa nagkaroon ng COVID-19 pandemic, ang pasilidad ay may mahigit 1000 na preso sa 16 na mga dormitoryo at naging hadlang ang pan­demya upang maantala ang pagdinig ng mga PDL sa pamamagitan ng video conference kaya’t naka-pagpalabas ito ng mahigit sa 200 na preso mula Marso, 2020.

Sinabi rin ni Pegalan, kahit na iniulat na ang lungsod ng Navotas ang isa sa mga lungsod sa Metro Manila na may record na mataas na kaso ng COVID-19 sa pagitan ng buwan ng Hunyo at Hulyo bago tuluyang napababa ng city government ang problema, ang NCJ ay nanatiling COVID free hanggang sa kasalukuyan dahil sa mahigpit na ipinapatupad na health at safety measures.

Aniya, ang isa sa mga dahilan nito ay pagsasailalim sa lockdown ng buong pasilidad mula sa unang araw ng pag-usbong ng COVID-19 hanggang sa kasalukuyan, nangangahulugan na ang kabuuang suspensiyon ng mga oras ng pagbisita, habang ang mga jail officer naman na naka-duty ay hindi pinapayagan na umalis sa premises sa loob ng 15 araw bago papalitan ng mga kasamahan nila. Ang mga pagkain na pinapayagang pumasok ay dumaan din sa mahigpit na sanitizing protocols.

Sinabi ni NCJ community relation officer JO1 Julie Mae Diaz, ang kapalit ng pisikal na pagbisita sa mga preso ay ang  ipinatutupad na electronic visit o e-dalaw na kung saan pinapayagan ang mga PDL ng hanggang 20-minutes video conference kasama ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay mula Martes hanggang Linggo. EVELYN GARCIA

3 thoughts on “200 PRESO SA NAVOTAS CITY JAIL LAYA NA”

Comments are closed.