200 PULIS SINIBAK SA BUCOR

pulis

TAGUIG CITY – SINIBAK sa puwesto sa New Bilibid Prisons (NBP) ang may 200 pulis na itinalaga sa kulungan matapos na mahuli ang may 16 na pulis na nagpupuslit ng kontrabando sa loob.

Ipinag-utos ng bagong talagang PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Bgen Debold Sinas ang pag-recall sa mga pulis na itinalaga sa NBP makaraang ilang pulis ang nahulihan na nagpupuslit ng mga ipinagbabawal na items sa sa loob ng bilibid.

Ayon kay Sinas, isusunod niya ang pakiki­pag-usap sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos ang kanyang formal assumption bilang kahalili ni MGen Guillermo Elea­zar.

Layun ni Sinas na makipag-ugnayan at alamin kay BuCor chief Gerald Bantag kung nais pa nitong panatilihin ang presensya ng mga tauhan ng NCRPO sa bilibid kasunod ng kontrobersiya.

Magugunitang 16 na pulis na pawang tauhan ng NCRPO ang iniimbestigahan ngayon matapos mahuling nagpupuslit ng kontrabando sa bilangguan gaya ng cellphone, tabako at iba pang bagay gaya ng alak.

Pansamantalang nasa floating status ang 16 habang iniimbestigahan. VERLIN RUIZ

Comments are closed.