BULACAN- DUMATING kahapon ng umaga ang truck ng Philippine Coast Guard ( PCG) dala ang 200 sako ng bigas mula sa tanggapan ng Vice President.
Alinsunod ito sa pangako ni Vice President Sara Duterte sa mga Bulakenyong na naapektuhan ng pagbaha dulot ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan na magpapadala ng ayuda.
Inihayag ito ni Duterte, dalawang araw matapos ang pagbubukas ng Minasa Festival sa bayan ng Bustos nitong Lunes.
Ang naturang mga bigas ay ipamamahagi sa mga pamilyang lubhang na apektuhan ng pagbaha nitong nakaraang Linggo.
Matatandaang nasa higit 500 pamilya ang inilikas mula sa bayan ng Norzagarayvbukod pa rito ang mga residenteng binaha sa bayan Bustos at Baliwag.
Mismong si Provincial Social Welfare and Development officer Rowena Tiongson ang tumanggap sa mga sako ng bigas na tig-50 kilos na hinakot ng mga tauhan ng PCG.
Labis naman ang pasasalamat ng mga Bulakenyong benepisyaryo sa ayudang bigas. THONY ARCENAL