200 SASAKYAN NG METRO COPS ININSPEKSIYON

Debold Sinas

TAGUIG CITY – AABOT sa 200 sasakyan ng mga pulis sa National Capital Region Police Office (NCRPO) mula sa 3,290 na isinailalim sa surprise inspection ng Highway Patrol Group (HPG) ang nakitang may paglabag sa batas trapiko.

Ayon kay NCRPO chief, Debold Sinas, ang 200 sasak­yan ng mga pulis na nakitaan ng paglabag ay nakitaan na ‘di re­histrado ang mga sasakyan at ang mga pulis naman ay mga walang lisensya sa pagmamaneho.

Sinabi pa ni Sinas, na karamihan sa mga sasakyan ng mga pulis na nakitaan ng paglabag ay mga motorsiklo.

Dagdag pa ni Sinas na apat na sasakyang gamit ng mga pulis ay mga recovered vehicle.

Matatandaan na ang buong kampo ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa ay nag-lockdown noong Lunes sa isinagawang surprise inspection ng mga mi­yembro ng HPG upang tignan na ang mga sasakyang gamit ng mga pulis ay nakarehistro at di nakaw.

Ayon kay Sinas na ang mga sasakyan ng mga pulis ay nakalabas lang ng kampo matapos ang ginawang verification ng HPG at bigyan sila ng clearance.

Sa pahayag ni Sinas ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa mga sasakyan ng mga pulis ay bahagi na rin sa ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) internal cleansing ­program. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.