200 TRAVELLERS MULA S. AFRICA NEGATIVE SA OMICRON

NEGATIBO ang 200 manlalakbay sa bagong Covid-19 Omicron variant na mula sa South Africa na dumating sa Pilipinas.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa lumabas na resulta sa kanilang ginawang genome sequencing, walang nagpositibo sa mga biyaherong ito sa nasabing variant.

Samantala, patuloy na mino-monitor ng Health Department ang 250 na manlalakbay na galing sa South Africa na dumating mula Nobyembre 15 hanggang 29 bago ipinatupad ang red alert sa nasabing bansa.

Samantala, iginiit ng DOH na halos 600 pagamutan na sa bansa ang walang naa-admit na pasyente na tinamaan ng Covid-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, katumbas ito ng halos 50% ng mga ospital sa bansa.

Sa 65 pagamutan sa bansa, 49 dito ang walang naitalang kaso na dinapuan ng virus.

Samantala, patuloy namang nananawagan ang kagawaran sa publiko na kahit na patuloy na bumababa ang kaso ng virus sa bansa, ugaliin na sundin ang mga ipinatutupad na safety protocols ng pamahalaan. DWIZ882