NASA 2,000 ang bilang ng mga Filipino seafarer ang dumating sa bansa sakay ng chartered plane galing sa Orlando, Florida USA.
Ang pag-uwi ng mga ito ay sa tulong ng Carnival Corporation, may-ari ng Costa Lines at sa pakikipagtulungan ng Magsaysay Shipping.
Ayon sa report, ang mga barko ng Costa Lines ay kasalukuyang nasa port of Miami, at ang iba pang Filipino seafarers ay nag-aantay sa de-sisyon ng Costa Lines para sa second batch na makakauwi sa Maynila.
Napag-alaman na ang dalawang Costa Cruises ships, na M/V Costa Magica at M/V Costa Favolosa, ay sa ngayon naka-anchor sa port of Mi-ami, kung saan marami pang crew members on board.
Ang anim na crew ng Magica ay nakaalis na sa barkong ito, at ang pitong crew ng Favolosa ay kailangang madala sa local na hospital para sa treatment, observation at testing, dahil nakakaranas ang mga ito ng flu-like symptoms katulad ng coronavirus, ayon sa US report.
Sa kasalukuyan, ang mga barkong ito ay walang official clearance for entry into the Port of Miami, at inaantay ng mga ito ang naturang clearance, ngunit inatasan ang mga captain ng mga barko ng US Coast Guard na manatili sa layo na three miles mula sa offshore. FROI MORALLOS