2,000 PAMILYA NASUNUGAN SA MANDALUYONG

Sunog

AABOT sa 2,000 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos ang siyam na oras na sunog sa residential area sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City noong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Sr. Insp. Joscar Bongalon, spokesperson ng Mandaluyong City Fire Department, nagsimula ang sunog bandang alas-3:13 ng hapon na umabot hanggang sa Task Force Alpha bago naideklarang under control alas-9:58 na ng gabi at idineklarang fire out bandang alas-11:44 ng gabi.

Aabot sa halos 7,000 bahay ang nasunog kung saan 13 ang naiulat na nasugatan.

Masikip umano ang mga daanan sa compound kaya nahirapan ang mga pamatay sunog.

Pansamantalang nananatili sa covered court ang mga biktima ng sunog.

Nagsimula umano ang sunog sa bahay ng isang Marie Biada.

Inaalam pa ng awtoridad kung magkano ang halaga ng pinsala ng sunog. ELMA MORALES

Comments are closed.