PARANAQUE CITY- NASA 2,000 Overseas Filipinos (OFs) ang pauwi sa Filipinas ngayong linggo.
Batay sa Manila International Airport Authority (MIAA) unang dumating ang 350 Pinoy repatriates mula Qatar sakay ng Philippine Airlines flight PR685 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Sunod na dumating ang PAL flight PR655 sakay naman ang 350 Pinoy repatriates mula na lumapag sa NAIA terminal 2.
Inaasahan din ang pagdating ng 400 Pinoy repatriates mula Dubai sakay naman ng Cebu Pacific flight 5J19 na lalapag naman sa NAIA terminal 3. 1330H. (T3)
Samantala ala 1:40 darating naman ang 350 OFs repatriates mula Riyadh sakay naman ng Saudia Airlines flight SV862 na lalapag naman sa NAIA terminal 1. 1330H.
300 repatriates mula naman sa Dubai sakay naman Emirates Airlines flight EK332 na nakatakdang dumating ng alas 4:15 ng hapon sa NAIA terminal 3.
Mula naman sa Singapore 313 repatriates sakay ng Scoot flight TR1390 na darating naman mamayang alas 5:00 ng hapon sa NAIA Terminal 1-(T1).
Habang 300 Pinoy repatriates mula Amsterdam via KLM Royal Dutch Airlines flight KL875 na nakatakdang dumating mamayang alas 6:00 ng gabi sa NAIA terminal 3. LIZA SORIANO
Comments are closed.