UMABOT sa halos 20,000 deboto ang dumagsa sa Quirino Grandstand para sa Pahalik ng Itim na Nazareno hanggang kahapon ng hapon, batay sa datos ng Philippine National Police–Special Task Group Pahalik.
Alas-12 ng tanghali kahapon ay nasa 15,000 na ang deboto at nagpatuloy ang paghaba ng pilla hanggang sa panulukan ng Roxas Boulevard at Manila Hotel.
Todo bantay rin ang mga pulis at kagawad ng Joint Task Force mula sa Armed Forces of the Philippines para matiyak ang kaseguruhan ng lugar.
Wala ring naitalang untoward incident. AIMEE ANOC
Comments are closed.