UMAABOT pa sa 20,019 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo.
Batay sa case bulletin no. 540 na inilabas ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na sa 2,080,984 ang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 6, 2021.
Sa naturang bilang, 7.6% pa o 157,438 ang aktibong kaso, o yaong nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa.
Sa aktibong kaso naman, kasama rito ang 92% na mild cases, 3.4% na asymptomatic, 2.51% na moderate, 1.4% na severe at 0.7% na kritikal.
Mayroon namang 20,089 pang pasyente ang gumaling na sa karamdaman kaya’t umaabot na ngayon sa 1,889,312 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 90.8% ng total cases.
Samantala, may 173 pang pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa COVID-19.
Sa ngayon, umaabot na sa 34,324 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.65% ng total cases.
Kaugnay nito, sinabi rin ng DOH na mayroon pang 119 duplicates ang inalis na mula sa total case count, kabilang dito ang 95 recoveries.
Mayroong 58 kaso ang unang tinukoy bilang recoveries, ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez
290317 935052Excellent job on this post! I actually like how you presented your facts and how you made it interesting and effortless to realize. Thank you. 935634
532941 658348Wonderful post, I conceive website owners need to learn a great deal from this internet weblog its rattling user genial . 527502
159535 993394Outstanding read, I just passed this onto a friend who was doing some research on that. And he truly bought me lunch since I discovered it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 257303