200K TRABAHO ALOK SA LABOR DAY JOB FAIR

Applicants flocked to the Mega Job Fair organized by the Manila City Government and Manila Public Employment Service Office (PESO) at QQ Mall in Quiapo. Photo by NORMAN ARAGA 

MAHIGIT sa 200,000 trabaho ang iaalok sa job fair na idaraos ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Mayo 1 sa pagdiriwang ng Labor Day.

Ayon sa DOLE, ang Labor Day Job Fair ay magkakaroon ng 95 venues, mahigit  2,400 participating employers at 204,818 job vacancies sa buong bansa.

Sinabi ng ahensiya na halos triple ito ng job vacancies na inialok sa parehong  event noong 2023. Ang huling pagkakataon na nag-alok ang gobyerno ng ganitong karaming trabaho ay noong  2019, bago ang COVID-19 pandemic.

Ang top 5 vacancies ay  production workers / operators – 22,372;  customer service representatives – 16,305; cashier / bagger / sales clerk – 13,770; laborer / carpenters / painters – 9,135; at ervice crew / cook / waiter / server – 5,971.

Ang registration para sa mga aplikante ay online sa pamamagitan ng  government employment portal Philjobnet.

Ang job fair ay magiging venue din para sa Kadiwa program ni Presidente Fedinand Marcos Jr., gayundin din ng payouts para sa livelihood at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng DOLE.  Karamihan sa benepisyaryo ng TUPAD ay mga manggagawa na apektado ng El Niño.

“As of this month, natulungan na po natin yung mahigit na 35,000 na benepisyaryo under TUPAD at ginugol din po natin dito yung 163 million pesos para sa kanilang salaries,” sabi ni Labor Undersecretary Benjo Benavidez.