NASAMSAM ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 201 na armas sa pinaigting na kampanya kontra loose firearms.
Ayon kay QCPD Chief Police Brig. Gen. Redrico Maranan, nasamsam ang mga armas mula sa mga operasyong ikinasa mula Enero hanggang nitong Agosto 28.
Aabot din sa 201 ang naaresto ng QCPD sa iba’t ibang Police Station na nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng 211 firearms.
Nangunguna naman ang Novaliches Police Station (PS-4) sa may pinakamaraming nasamsam na armas na sinundan ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13) at La Loma Police Station (PS-1).
Pinuri ni Maranan ang tagumpay ng QCPD na patunay ng dedikasyon ng pulis sa Quezon City.
Aniya, makakaasa rin ang publiko na patuloy pang paiigtingin ang preventive measures katulad ng checkpoint upang masiguro ang seguridad ng lungsod.
EVELYN GARCIA