INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng record-high na 22,415 bagong kaso ng COVID-19 sa araw ng Lunes.
Base sa case bulletin no. 541, sinabi ng DOH na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 2,103,331 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 6, 2021.
Sa naturang kabuuang kaso naman, 159,633 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa o 7.6% ng total cases, kabilang dito ang 92.1% ang mild, 3.3% ang asymptomatic, 2.48% ang moderate, 1.4% ang severe at 0.6% ang critical.
Mayroon namang 20,109 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman, sanhi upang umabot na sa 1,909,361 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 90.8% ng total cases.
Samantala, mayroon pang 103 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman kaya’t umaabot na sa ngayon sa 34,337 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.63% ng total cases.
Ayon sa DOH, mayroon pa ring 68 duplicates silang inalis mula sa total case count, kabilang dito ang 53 recoveries.
Mayroon ding pitong kaso ang unang tinukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez
556214 542814Empathetic for your monstrous inspect, in addition Im just seriously very good as an alternative to Zune, and consequently optimism them, together with the extremely great critical reviews some other players have documented, will let you determine whether it does not take appropriate choice for you. 484576
432172 295246Hi there! Someone in my Myspace group shared this website with us so I came to give it a appear. Im undoubtedly loving the information. Im bookmarking and will be tweeting this to my followers! Outstanding blog and amazing style and style. 939775