CAMP AGUINALDO-BAGAMAN matagal nang itinanghal bilang 2018 Miss Universe, nakamit naman ni Catriona Gray ang papuri at pagkilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Dumalaw sa General Headquarters ng AFP sa Quezon City ang beauty queen na sinalubong ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal.
Isang simpleng seremonya ang ginanap at binigyan ito ng Plaque of Appreciation and Recognition ang Miss Universe.
Sa kanilang pag-uusap, nagpasalamat si Gray sa AFP at sinabing “great pride” sa kanya ang maging kinatawan ng Filipinas sa nakaraang beauty contest.
Naniniwala ang Miss Universe na bawat miyembro ng AFP ay katulad niya rin na ipinagmamalaki ang bansang Filipinas.
Para kay Gray ang kanyang pagbisita sa AFP ay tulay para maging partner ang militar sa kanyang mga adbokasiya at mga charitable works.
Sa pahayag naman ni Madrigal na isang inspirasyon si Gray dahil sa pag-uugali, dedikasyon at passion nito. REA SARMIENTO/VERLIN RUIZ
Comments are closed.