2018 NEWS BREAKING SERIES

breaking news

(PART 2)

NAGING makulay din ang mundo ng politika noong 2018 at isa rito ay ang biglaang pagpapalit ng liderato sa Kong­reso.

  1. PAGPAPALIT NG LIDERATO NG 17TH CONGRESS

Bago maihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 23, 2018 ay pinalitan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Rep. Pantaleon Alvarez bilang house speaker sa pagbubukas ng 3rd regular session ng 17th congress.

Dalawang buwan bago ito o Mayo 21 nang mahalal si Sen. Vicente Sotto III bilang bagong senate president kapatli ni Senator Koko Pimentel.

  1. PAGBAWI SA AMNESTIYA NI SEN. ANTONIO TRILLA­NES IV

Naging headliner din si Trillanes sa katatapos na taon dahil sa tatlong linggong pagkulong sa sarili sa senado makaraang bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya na iginawad sa kanya sa panahon ng Aquino administration matapos ang Oakwood mutiny at Manila Peninsula Siege noong Arroyo administration naman.

  1. BOC CONTROVERSY

Naging mainit din ang 2018 para sa Bureau of Customs  nang mistulang nag-dejavu ang mga pangyayari noong 2017 nang makalusot ang panibagong batch ng shabu na nagkakahalaga ng P11 bilyon.

Dahil sa pangyayari, sinapit din ni Isidro Lape­ña ang kapalaran ni Nicanor Faeldon na inalis sa BOC.

Inilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) si Lapeña habang sa BOC si Mari-time Industry Authority Administrator Rey Guerrero.

  1. INFLATION, OIL AND TRAIN LAW

Uminit naman ang ulo ng mga consumer dahil sa naitalang pinakamataas na inflation rate sa loob ng siyam na taon sa 6.7 porsiyento noong Setyembre.

Unang isinisi sa pagtaas ng presyo ng bilihin ang sunod-sunod na oil price hike gayundin sa kakulangan ng bigas.

Iniugnay rin ang inflation sa Tax Reform For Accelaration And Inclusion (TRAIN) law na nagpataw ng dagdag na buwis sa produktong petrolyo.

Ngunit hindi nanghina ang economic managers ni Pangulong Duterte at ipinaliwanag na isa pa ring mabuting batas ang binagong pagbubuwis ng pamahalaan.

Pagsapit ng Nobyembre hanggang Dis­yembre, dahil sa mga hakbang na ginawa ng mga ahensiya ng pamahalaan gaya sa Department of Energy, Department of Trade and Industry, National Food Authority at Department of Agriculture, bahagyang bumaba ang presyo ng bilihin at nagkasunod-sunod ang rollback sa petrolyo. EUNICE CALMA 

ITUTULOY

Comments are closed.