2018 NICK JOAQUIN LITERARY AWARDS

Philippines Graphic Team

MAGBUKAS ng pagkakataon para sa mga manunulat—baguhan man o hindi, na mailathala ang kanilang akda, iyan ang adbokasiya ng Philippines Graphic.

Dahil dito, ipinagpapatuloy nila ang kanilang adbokasiya at taon-taon ay ginaganap ang Nick Joaquin Literary Awards sa basbas na rin ng Graphic publisher na si T. Anthony C. Cabangon at Aliw Media Group Chairman D. Edgard A. Cabangon.

Ngayong taon, nakatutuwa dahil umarangkada ang galing ng mga kababaihan. Sa taong ito, ang nanalo sa 2018 NJLA ay sina Victorette Joy “VJ” Campilan (first prize, “The Visitation”); Jenny Ortuoste (second prize, “High Priestess”) at Sydney Paige Guerrero (third prize, “The Other Side”).

Napili ring Honorable Mentions ang:  “Little Star” ni Miguel Escano, “Blue-Black” ni Alex Alcasid at “The Final Bullet” ni Matthew Jacob F. Ra-mos.

Si Ramil Digal Gulle naman ang hinirang na Poet of the Year.

“He Nick Joaquin Literary Awards, by far, are perhaps the most stringent and difficult of all the literary contests in the country,” ayon sa editor-in-chief ng Philippines Graphic na si Joel Pablo Salud.

 

NICK JOAQUIN LITERARY AWARDS
Mula kaliwa: T. Anthony C. Cabangon, Naicee Lee Salamagos, President of La Jeunese Aesthetic and Lifestyle Center; Special Mentions na sina: Alex Alcasid, Miguel Escano at Matthew Jacob F. Ramos, Ramil Digal Gulle (Poet of the Year), D. Edgard A. Cabangon at Joel Pablo Salud.

 

 

NICK JOAQUIN LITERARY AWARDS-1
Mula kaliwa: Philippines Graphic advertising sales manager Dennis Cruz Guevarra, Graphic editor-in-chief Joel Pablo Salud, Graphic publisher T. Anthony C. Cabangon kasama ang mga nanalo sa 2018 Nick Joaquin Literary Awards para sa maikling kuwento na sina Sydney Paige Guerrero (third prize, “The Other Side”), Victorette Joy “VJ” Campilan (first prize, “The Visitation”) at Jenny Ortuoste (second prize, “High Priestess”) at ang chairman ng Aliw Media Group na si D. Edgard A. Cabangon at ang vice president for advertising sales ng Graphic na si Marvin Nisperos Estigoy.

 

 

Hindi naging madali para sa kanila ang pagpili lalo pa’t linggo-linggo ay nakatatanggap sila ng maraming entry. “First, in order for a short story to be included in the initial list of 50 yearly entries, it must first see print in the magazine. Upon approval, it must pass through the scrutiny of three other editors, including myself, for final confirmation. Upon publication, it automatically becomes an entry in the Nick Joaquin Awards,” paliwanag ni Salud.

Ang mga hurado ngayong taon ay sina Gawad Balagtas awardee Susan Severino Lara, award-winning writer at Esquire Editor-at-Large Angelo “Sarge” Lacuesta at University of the Philippines Professor Emeritus and internationally-awarded poet Gemino Abad.

PAGSISIMULA NG NICK JOAQUIN LITERARY AWARDS

Ayon sa Literary Editor ng Philippines Graphic na si Alma Anonas Carpio, nagsimula ang NJLA noong pag-aari pa lamang ito ng mag-anak na Ro-ces. Nagkaroon ito ng buwanang patimplak sa maikling kuwento.

Nang mailipat ito sa pangangalaga ni Ambassador Antonio L. Caba­ngon Chua, ipinagpatuloy ang patimpalak nina National Artist for Literature Nick Joaquin, na siyang literary editor at editor in chief ng mga panahong iyon. Kalaunan ay naging annual na ang Philippines Graphic Literary Awards at ito ang pinaka-highlight ng Christmas party ng magasin.

“Kung hindi ako nagkakamali, sina Charlson Ong at Cristina Pantoja Hidalgo ay kasama sa mga nanalo, at noon pa man ay hurado na ng contest si Krip Yuson. Pinalitan ‘yung pangalan ng patimpalak nang yumao si Joaquin noong 2004 at ito ay tinawag na Nick Joaquin Literary Awards,” paliwanag pa ni Carpio.

Dagdag pa nito: “Ang kuwento sa akin ni Joaquin noong bata pa ako at tambay sa National Press Club of the Philippines taong 1990s ay: Ang disiplina at “mentorship” ng isang newsroom ay maaari ring ibagay sa pagsusulat ng panitikan. Ang hangad niya ay pagbigyan ng puwang ang mga manunulat, lalo na ang mga bago at hindi pa nadidinig na mga tinig. Ngayon na ako na ang may hawak ng literary section ng magasin, isinusulong ko ito. Utos din ito ng aking punong patnugot na si Joel Pablo Salud—utos na tuwang-tuwa akong ipatupad linggo-linggo.”

 

NICK JOAQUIN LITERARY AWARDS-3
Ang mga hurado na sina Gemino Abad, Susan Lara, Sarge Lacuesta kasama ang mga nanalo sa NJLA 2018 at ang Poet of the Year. Kuha ni CESAR ALJAMA

 

BATAYAN SA PAGPILI NG KUWENTO

Hindi mabilang ang nagpapasa sa Philippines Graphic. Minsan ay umaabot sa 80 ang mga tulang pinagpipi­lian nila linggo-linggo. Umaabot naman sa 50 ang ma­ikling kuwento.

Pagiging maganda at pulido ang batayan sa pagpili ng isang akda.

“Pinipili po namin ang kuwento kapag ito ay maganda at pulido ang pagkakalikha sa kanya, kahit na minsan ay mahirap siyang intindihin o hindi namin masyadong type ang genre. Para sa publikong babasa ang mga inilalabas naman namin sa magasin, at hindi lang para sa amin. Siyempre, kung mukhang first-draft o hindi ganap ang kuwento o tula, hindi ito mapipili. Mas gusto namin ‘yung hindi kailangan irebisa ang piyesa dahil hindi naman kami ang may-akda at maaaring magbago ang kuwento kung ito ay mangailangan ng bonggang pag-edit.”

NJLA: LUMALAKI BAWAT TAON

Kung papansinin natin, bawat taon ay namamayagpag at lumalaki ang NJLA. At dahil mahirap kung wala sa Filipinas ang mananalo at tatanggap ng premyo, nagbukas ng NJLA Asia-Pacific at ng literary section ang BusinessMirror na pinangalanang Tony & Nick.

Dito inilalabas ang maiikling kuwento at tula ng mga manunulat sa mga bansang miyembro ng ASEAN at pati na ang Taiwan, Hong Kong, Austral-ia at New Zealand.

Kasama rin dito ang mga Filipinong manunulat na naninirahan o nagtatrabaho sa mga nabanggit na lugar.

Sa darating na buwan, pipiliin na ang mananalo sa NJLA Asia-Pacific at sa darating na 2019 gaganapin ang awarding.

Patuloy sa paglago ang nasabing event sa tulong na rin ng sponsors gaya ng El Calle of Resorts World Manila, San Miguel Corp., the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), SM, the Holiday Inn Express, AXN Asia, Fundador, Cowboy Grill, La Jeunesse, Petron at Kitsho Restaurant & Sake Bar. CT SARIGUMBA / Kuha ni ROY DOMINGO

Comments are closed.