2018 PBA DRAFT APPLICATION BUKAS NA

PBA ROOKIE DRAFT

MAY hanggang sa susunod na buwan ang FIL-foreign players na nais lumahok sa darating na PBA Rookie Draft para isumite ang kanilang applications at requirements upang maging eligible para sa December 16 proceedings.

Itinakda ng liga ang Oktubre 26 bilang deadline para makumpleto ng  foreign-bred players ang kanilang mga papeles, bago ang pag-iisyu ng preliminary list ng prospective draftees.

Ang contestability period sa eligibility ng Fil-Am draftees ay mula Oktubre 30 hanggang ­Nobyembre 29.

Samantala, ang local born applicants ay maaaring magsumite ng kanilang applications at requirements sa Disyembre 3. Sa parehong petsa, ang liga ay mag-iisyu rin ng final list ng eligible Fil-foreign players sa draft.

Makalipas ang isang linggo, ang lahat ng aplikante ay lalahok sa tradisyunal na Draft Combine na nakatakda sa Disyembre 12-13.

Ang final list ng draft applicants para sa ika-45 season ng liga ay ipalalabas sa Disyembre 14.

Pangangasiwaan ni Commissioner Willie Marcial ang se­remonya sa first draft proceedings.

Noong nakaraang taon ay si Fil-German Christian Standhardinger ang naging no. 1 overall draft pick.

Comments are closed.