ILAGAN CITY – BINUKSAN ang 2018 Philippine Athletics Championships noong May 30 na tatagal hanggang June 4, 2018 sa City of Ilagan Sports Complex.
Ang nasabing competition ay nilahukan ng 10 bansa kung saan 90 porsiyento ang paghahanda ng Local Government Unit ng nasabing lungsod na pinamumunuan ni City Mayor Evelyn Mudz Diaz.
Sinabi ni Ricky Laggui, General Services Officer ng LGU Ilagan City, na malaking karangalan sa Ilagan City at buong lalawigan na magiging host muli sa nasabing sports event dahil bukod sa mga lokal na atleta na manggagaling sa iba’t ibang panig ng bansa ay mayroon pang mga international ath-letes.
Umaabot aniya sa mahigit 50 organizations at mga paaralan ang sumali sa 2018 Philippine Athletics Championships bukod pa sa foreign contingent na magmula sa 10 bansa.
Mahigit 1,000 mga atleta at coaches ang lumahok sa parada bilang opening ceremony sa nasabing event.
Pinangunahan ng mga prominenteng atletang Filipino-American na sina Eric Cray at Anthony Beram, Maristela Torres at Elma Muros ang kampanya ng Pilipinas sa 2018 Philippine Athletics Championships na lalahukan ng mga atleta ng umaabot sa labinlimang bansa tulad Poland, Estados Unidos at mga bansa sa Asya.
Dalawang manlalaro naman mula sa Isabela na produkto ng 2017 Phil. National Invitational open na ginanap din sa Ilagan City ay sumabak na sa pandaigdigang paligsahan na ginanap sa ibang bansa.
Inihayag ng Regional Director Drolly Claravall ng Philippine Athletics Track And Field Association (PATAFA) Region 2 na muling napili ang Ilag-an City na pagdausan ng 2018 Philippine Athletics Championships dahil sa magandang outcome ng ginanap na 2017 Phil. National Invitation open
Inihayag naman ni Supt. Rafael Pagalilauan, ang hepe ng City of Ilagan Police Station, na handa ang kanilang buong puwersa sa pagkakaloob ng seguridad sa mahigit isanlibong atleta at kanilang coaches maging sa mga manonood habang isinasagawa ang nasabing palaro. IRENE GONZALES
Comments are closed.