MARIING sinabi ni Senador Ralph Recto na dadaan sa butas ng karayom ang panukalang pambansang badyet para sa susunod na taon na inilatag ng Malakanyang.
Kamakalawa ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang Gabinete ang panukalang P3.757 trilyon na national budget para sa 2019.
Ayon kay Recto, para matiyak na nararapat ang mga pagkakagastusan ng gobyerno, hihimayin nila sa Senado ang nasabing badyet.
“Yes, we will scrutinize the budget when it reaches us,” ani Recto.
Dagdag pa ng senador, kasama sa kanilang hihimayin ang plano ng Malakanyang na mangutang ng halos P1.2 trilyon para ma-punan ang kakulangan ng badyet sa susunod na taon.
Giit pa ni Recto, kailangang maging maingat sa bawat pangungutang at dapat matiyak na produktibo ang paggagamitan nito.
“Interest rates are going up and future generations will pay for them. P1.2 trillion is large amount. When government borrows to much money it crowds out the private sector and may cause inflation,” anang senador. VICKY CERVALES
Comments are closed.