2019 BUDGET LUSOT AGAD SA KONGRESO

2019 BUDGET

KUMIPIYANSA ang Malakanyang na maipapasa sa takdang oras ang proposed P3.757 trilyong budget para sa 2019.

Sa ginanap na press briefing, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang agarang pagpasa  sa pambansang budget para sa susunod na taon ay maituturing ding sukatan ng liderato ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni bagong House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

“Well, this is a test for the new House Speaker. Nonetheless, we are confident that because this budget is intended to implement Build, Build, Build which means more projects for all congressmen and legislators as well, that it will be passed on time,” wika ni Roque.

Ayon kay Roque, malaking bahagi ng budget  ang inilaan para sa malawakang implementasyon ng infrastructure projects ng administrasyong Duterte.

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes,  isinumite ni Pangulong  Rodrigo Duterte sa  Office of the House Speaker ang proposed budget para sa susunod na taon.

Sa kaniyang budget message, sinabi ni Pangulong Duterte na gagawin na ng pamahalaan ang annual cash-based appropriations system.

“The bottom line principle behind a cash-based appropriations system is this: national government agencies will be measured not on the basis of their obligations which are mere commitments, but on their actions, their real outputs, through the PAPs (programs, activities and projects) that they have delivered and spent for,” anang Pangulo.

Ang pambansang budget para sa 2019 ay mas mataas ng 13 porsiyento kumpara sa kasalukuyang budget na P3.324 trilyong piso.  EVELYN QUIROZ

Comments are closed.