2019 BUDGET MAGPAPALAGO SA EKONOMIYA

Senadora Cynthia Villar2

IKINATUWA ni Senadora Cynthia Villar ang paglagda ni ­Pangulong Rodrigo ­Duterte sa P3.76-T 2019 national budget.

Ayon kay Villar, malaki ang maitutulong nito sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Paliwanag ng senadora, 25 porsiyento sa 2019 budget ay makapag-aambag sa economic growth ng ­Filipinas.

Aniya, sa paglagda ng Pangulo sa budget ay makalilikha ng hanapbuhay sa mga mamamayan at makahihikayat ng mga foreign investor na mamuhunan sa bansa.

Iginiit din ni Villar na makatutulong ang budget sa rice competitiveness program para sa mga magsasaka at sa mga programa para sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Samantala, iginagalang ng Kamara ang desisyon ni Pangulong Duterte na i-veto ang nasa P95.3-B unprogrammed items na nakapaloob sa 2019 budget.

Ayon kay House Majority Leader Fredenil Castro, welcome para sa Kamara ang hakbang ng Pangulo at tiniyak ang pagtalima sa anumang desisyon nito.

Aniya, nauunawaan at iginagalang din nila ang ginawang pagbusisi ng economic teams bago pirmahan ni Duterte ang pambansang pondo. VICKY CERVALES, CONDE BATAC

Comments are closed.