INAANYAYAHAN ang lahat na sumali sa 11-Stag Derby ng Digmaan ngayong taon. Tinaguriang ‘Pambansang Palaban’, ang naturang torneo ay may premyong P70 million at mababa lamang ang pot money sa halagang P12,000 para sa regular eliminations at P8,500 naman para sa early bird eliminations.
“Mga kasabong, iniimbitahan ko po kayo na tangkilikin ninyo itong 2019 Digmaan natin. Kung kayo na mga nag-uumpisa, ‘yun mga nasa province, ‘wag ho kayong mag-atubiling tawagan kami at kayo ay i-a-accomodate namin,” ani Bernie Tacoy, chairman ng 2019 Digmaan.
Ayon kay Bernie, nagsimula na ang early bird eliminations sa iba’t ibang sulok ng bansa.
May format na 3 (elims)-4 (semis)-5 (finals), ang grand finals ng naturang torneo ay gananapin sa December 16 sa Manila Arena, ang bagong sabungan ni Atong Ang.
Ayon kay Bernie, inaasahan nila na marami ang sasali rito dahil mababa lamang ang pot money at napakalaki pa ng premyo.
“Actually expected natin hindi tayo bababa sa anim na libong entries kasi ngayon pa nga lang nagkaroon na tayo ng almost 1,000 entries, wala pang regular, mga early bird eliminations palang,” ani Bernie.
Pang-masa umano ang Digmaan kaya kahit baguhan ka lang at maliit na breeder ay puwede kang sumali rito.
“Ang kaibihan ng Digmaan is pang-masa ‘to. Maliit na pot money lang P12,000 which is pinapababa pa natin to P8,500 kapag sasali ka sa mga early bird elimination na hindi banded ng Digmaan, magbabayad ka lang ng pot money para sa Digmaan discounted ka na, P8,500 lang pero kung doon ka na sa regular P12,000 na talaga,” paliwanag niya.
“Ang kagandahan nitong Digmaan is we are open, tinatanggap din natin ang banded ng Bakbakan pero iniisip ko ang sabong naman hindi dapat lagyan ng boundary, ‘yung mayroong fence para sa isang sabungero dun sa kabilang grupo ng sabungero. Actually, for me, sabong is a way to create friendship para magkita-kita tayo, ma-meet ‘yung iba’t ibang tao from all walks of life tapos ginagawa ng ibang associations hindi nila pinapayagan na magpa-band sa Digmaan kasi myembro sila ng ibang asosasyon. Kami baligtad, ako ini-encourage ko pa ‘yung iba na kung pupuwede ay kasali kayo sa iba para makumpara n’yo kung saan mas maganda. Kung hindi kayo masuwerte rito samin, sa Digmaan, puwede kayo sumali sa Bakbakan, Salpukan baka andun ‘yung suwerte n’yo. ‘Yung ibang asosasyon naman na nagpapa-band sa atin, sila pa ‘yung nagtatanggal ng wingband, ginugupit, parang gusto nila, miyembro nila sa kanila lang talaga,” dagdag pa niya.
Aniya, kahit banded ng A-Cup, BNTV, etc. tinatanggap nila sa early bird, kinakailangan lang nila na mag-submit sa Digmaan ng kanilang banding registry para lang mapatunayan na ang kanilang stags ay talagang banded.
“Open tayo, wala tayong pinipili rito. If you are a top breeder in your place or even if you’re just starting, welcome na welcome kayo sa Digmaan, wala tayong pinipili,” diin pa niya.
Comments are closed.