2019 NATIONAL BUDGET “PRO-HEALTH”

JV ejercito

TAHASANG sinabi ni Senador JV Ejercito na ang P3.757 trilyong 2019 national budget ay “pro-health” budget na makatutulong para matustusan ang mga programang pangkalusugan ng gobyerno.

Ginawa ni Ejercito, author at principal sponsor ng Universal Health Care (UHC) measure, ang pagbansag matapos ratipikahan ng lehislatura noong Biyernes ng gabi ang 2019 General Appropriations Act.

“I consider this budget as ‘pro-health’ budget because it carries the funds for the Health Facilities Enhancement Program (HFEP) and Human Re-source for Health Development (HRHD), both under the budget of the DOH (Department of Health),” anang senador.

Ipinaglaban ni Ejercito, chairman ng Senate Committee on Health and Demography na maibalik sa national budget ang mahigit P16 bilyong HFEP budget at P8 bilyong alokasyon sa HRHD matapos tapyasin ang mga ito sa budget bill.

Ang HFEP at HRHD ay dalawang health programs ng gobyerno na magbibigay ng ‘quality, affordable and accessible’ na serbisyong pangka-lusugan para sa lahat ng Filipino.

“I’m happy for our people because of the return of the HFEP and HRHD funds. The more than Php16-billion HFEP budget will be used for the im-provement, upgrade, and expansion of gov’t hospitals and health facilities, some are nearing completion already, and for their equipment. Another Php7-billion for Human Resource for Health Development para ‘yun sa suweldo and augmentation ng health workers, nurses, midwives, and doctors,” ani Ejercito.

Ang pagsasaayos ng pasilidad ay upang masi­guro ang maayos na implementasyon ng UHC kung saan kabilang na ang lahat ng Filipino sa National Health Insurance Program para mapababa ang gastusin nila sa health services kabilang ang mga check-up at piling laboratory procedures.

Kailangan na lamang ng pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang UHC.

“Kung hindi naibalik ang mga pondong ito, aba’y matetengga ang mga health units natin at marami ang mawawalan ng trabaho dahil walang pangsuweldo sa kanila ang gobyerno,” giit ni Ejercito.  VICKY CERVALES

Comments are closed.