2019 PANAGDADAPUN FESTIVAL SA QUIRINO UMARANGKADA

Panagdadapun Festival

UMARANGKADA na sa Cabarroguis, Quirino ang limang araw na pagdiriwang na may temang “I Love Quirino For­evermore”.

Isa sa pinakatampok sa pagdiriwang ay ang 1st Wakeboarding Competition na inaasahan ni Quirino Governor Dakila Dax Cua na bukod sa mga taga Quirino ay dadalo at lalahok sa compition ang taga-Isabela, Nueva Vizcaya, Ifugao, at ang lalawigan ng Cagayan.

Pinasimulan ang pagdiriwang ng Panagdadapun Festival 2019 sa pamamagitan ng misa ng pasasalamat na ginanap sa Capitol Gymnasium na dinaluhan ng mga pinuno at kawani ng pamahalaang panlalawigan na sinundan ng opening program at awarding ceremonies.

Kasunod ang Job Fair 2019 sa San Marcos Gymnasium gayundin ang Indigenous Arts and Craft Exhibit sa Panagdadapun Pavilion at Agro-Otop Touirism and Livelihood Fair sa Municipal Kiosk  ang Farm Family Day sa Capitol Gymnasium at Laro ng Lahi sa Capitol Oval Quirino.

Magtatagal ang Panagdadapun Festival 2019 hanggang bukas Setyembre 10 at magiging tampok ang grand parade at ang street dancing sa Capitol Oval. IRENE GONZALES

Comments are closed.