HINDI babaguhin ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games organizing committee ang logo para sa biennial meet na gaganapin sa bansa.
Ayon kay 2019 SEA Games executive director Ramon Suzara, ang mga bilog na may iba’t ibang kulay sa naturang logo ay kumakatawan sa mapa ng bansa na nagkaisa para sa pagsusulong ng sports.
Aniya, bukas sila sa pagtanggap ng mga puna maging sa inilunsad na mascot ng SEAG na tinawag na ‘Pami’.
Si ‘Pami’ ay kumakatawan naman umano sa pamilyang Pinoy ng bawat atleta at indibiduwal na may pangarap na abutin ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng sports.
Nauna nang binatikos ng netizens ang logo at disenyo ng mascot para sa 2019 SEA Games na, anila, ay hindi pinag-isipan.
Comments are closed.