2020 BADMINTON ASIA CHAMPIONSHIPS SA PH

Badminton

MAGIGING hosts ang Filipinas sa isang continental event sa susunod na buwan.

Iginawad ng Badminton Asia sa bansa ang hosting rights para sa third-ever Badminton Asia Team Championships, na gaganapin sa February 11-16, 2020 sa Rizal Memorial Coliseum.

Naniniwala si Badminton Asia Chief Operating Officer Chit Boon Saw na kasalukuyang umuunlad ang sport sa bansa kaya panahon na para i-host nito ang continental meet.

“I think the Philippines is one of the fastest developing nations in badminton. And it is good to bring an event like this in a developing badminton country,” wika ni Saw kung saan huling idinaos ang Asian Championships (individual) sa bansa noong 2001.

“The game can be promoted to the masses better with an event like this.”

Bukod sa pagiging qualifier para sa Thomas (Men’s) at Uber (Women’s) Cups na nakatakda sa Denmark sa Mayo, ang torneo ay magiging huling tsansa rin ng mga shuttlers para makatipon ng puntos upang magkuwalipika sa 2020 Tokyo Olympics.

Mahigit sa 290 shuttlers mula sa buong kontinente ang inaasahang darating sa bansa, sa pangunguna ng defending men’s champion Indonesia at women’s champion Japan.

Labinlimang men’s teams at 14 women’s squads ang sasabak sa biennial meet. Ang bawat division ay hahatiin sa mga grupo na may apat na katao kung saan ang top two teams sa bawat grupo ay uusad sa knockout stage.

Ang team format ay isang best-of-five encounter na may tatlong singles matches at dalawang doubles matches.

Naniniwala si Saw na ang torneong ito ay isang magandang pagkakataon para makakuha ng eksperyensiya ang Philippine national team sa sport.

“I hope the Philippine team takes this as an opportunity to learn and grow in the team event. As you know, there are not a lot of team tournaments in the world so this will be a good opportunity to learn on your home court,” aniya kung saan ang Fi­lipinas ay nagtapos sa 1-2 sa men’s side at 0-3 sa women’s division sa  2018 edition ng meet.

Comments are closed.