2020 BUDGET BILL NASA SENADO NA

2020 budget

INAASAHANG maisasalang na sa ­unang pagbasa ng Senado ang 2020 Ge­neral Appropriations Bill (GAB) matapos na pormal na isumite ng Kamara ang kopya nito sa una kahapon ng umaga.

Ito ang ipinahayag ni Deputy Speaker at Mandaluyong Rep. Neptali ‘Boyet’ Gonzales II kung saan sinabi rin niya na magkakaroon na ngayon ng pagkakataon ang mga senador na mabusisi ang 2020 GAB, na nagawang maaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong nakaraang Setyembre 20.

“This morning the GAB was formally transmitted to the Senate. It will allow it to be included on First Reading for referral to their Finance Committee, which in turn can deliberate on it during the break. Again and again, we contend that it is a pork-free budget as we strictly confined ourselves to the decision of the Supreme Court which declared the PDAF unconstitutional and prohibited the post-enactment identification of projects. Now, the Senate can finally see for themselves,” sabi pa ng Mandaluyong City solon.

Kasabay nito ay pinuri ni Gonzales si Speaker Alan Peter Cayetano sa ginawa nitong paglalatag sa isusulong nilang ‘institutional amendments’ sa panukalang P4.1 trilyon na pambansang badget para sa taong 2020, partikular ang ‘realignment’ sa pondo ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

“This is the first time that such a move was instigated by a Speaker himself which is indeed, truly impressive. Almost all the sectors in our society would really benefit from these institutional amendments as almost all the bases were covered,” ayon sa House deputy speaker.

Giit ng mambabatas, ang gagawing budget realignment ay pangunahing pakikinabangan at sadyang itinuon para sa kapakanan ng mga magsasaka, kabataan at pangangalaga sa kalikasan, gayundin ang patungkol sa mental health care ng pamahalaan.

“All these amendments laid out collectively is already a big thing and highly substantial in the continuous development of the country,” dagdag ni Gonzales.

Sa panig naman ni House Committee on Public Accounts Chairman at Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor, inamin nito na nasaktan ang mga kongresista dahil matapos nilang maipasa ‘in record time’ ang 2020 GAB ay binanatan agad sila at inakusahang may pork barrel sa halip na tingnan muna at hintayin ng mga senador na matanggap ang opisyal na kopya ng panukalang pambansang badget.

Umaasa naman si Defensor na tutularan ng Senado ang ginawa ni Speaker Cayetano na bago ang transmital ng 2020 GAB ay inilatag nito ang kanilang ‘institutional amendments’ upang magkaroon ng pagkakataon ang mga kongresista na busisiin ang amyenda o pagbabago na gustong mangyari ng mga senador sa national budget at hindi na magkaroon ng mahabang diskusyon dito kapag tatalakayin na nila sa bicameral conference committee. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.