TINIYAK ni House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab na hindi na mauulit ang pagkakaantala sa pagpapasa ng national budget ngayong 18th Congress.
Magugunitang nabimbin nang husto ang pag-apruba sa 2019 national budget dahil sa pagtatalo ng mga mambabatas sa mga isinisingit na pondo sa budget.
Ayon kay Ungab, iniutos na ni Speaker Alan Peter Cayetano na madaliin ang budget deliberations para maaprubahan sa oras ang pambansang pondo.
Ipinagmalaki pa ni Ungab na sa ilalim ng kanyang chairmanship noon ay naipasa sa oras ang General Appropriations Act ng tatlong magkakasunod na taon.
Dagdag pa ng kongresista, galing siya sa banking sector at dahil sa kanyang background sa finance ay madali niyang nalalaman kung ano ang insertion at ang pumasa sa usual procedures.
Ang gross domestic product (GDP) growth sa January-March period ay nasa pinakamababa nito sa loob ng apat na taon makaraang malimitahan ang government spending dahil sa pagkakaantala ng pagpasa sa 2019 budget.
“With my experience I’m sure we can handle, we can manage. We will deliver,” he said.
Inaasahang isusumite ng ehekutibo ang 2020 proposed national budget sa susunod na dalawang linggo. CONDE BATAC